Hello!

Trip ko lang iupload ung mga requirements na pinapass ko para hindi nawawala ang files ko :)

Sabado, Hulyo 23, 2011

Nurse Patient Interaction

1.) Name of patient: Marie Ann Orzame
N: Hello po nay good morning po, Orzame po ba ang apelyido niyo?
P: Oo
N: Ah, ako po si Analyn Mendoza , nursing student po ng Wesleyan, ako po yung magiging nurse nyo mula ngayong umaga hanggang mamayang alas tres po... Ano po yung pangalan nyo?
P: Marie Ann Orzame
N: Taga saan po ba kayo?
P: Sa Guimba.
N: Ang layo naman po bakit ditto kayo naadmit?
P: Eh ditto kasi ako nirefer ng doktora ko eh.
N: Ganun po ba? Anu po ba ang nangyari sa inyo? Bakit po kayo naadmit?
P: Eh kasi my deal na kami ni Doktora dahil malaki na yung bata, mahihirapan daw ako magnormal, 28,000 daw ung caesarean  ditto.
N: Ah eh nasan na po yung baby niyo?
P: Nasa taas eh.
N: Sa pedia po? Pang ilang anak niyo nap o bay un?
P: Pangatlo na.
N: Pangatlong pagbubuntis nyo din po yun?
P: Oo, nahihirapan na nga ako kasi ang babata pa nung mga kapatid niya, isang 8 years old tsaka 5 years old. Nagpaligate na nga ako para hindi na masundan eh.
N: Mainam po niyo yung kakayahan niyo para matutukan niyo yung paglaki ng mga anak ninyo.
P: Oo nga eh, di ko na kaya ng madami ang hirap manganak, nahirapan talaga ako ditto sa pjg.
N: Ay bakit po?
P: Kasi akala ko pagdating ko ditto bibiyakin na yung tyan ko dahil may deal na nga kami ni doktora, dahil hirap na hirap na rin ko, hindi pala ganun, pagdating ko ditto pinaglabor pa din nila ako. Nakikiusap na nga ako sa doctor na ics na ko dahil di ko na kaya, magbabayad naman ako, ayaw pa din nila biyakin yung tyan ko. Tapos nalaman naming nakatae na yung bata sa tyan ko, tsaka pa lang nila biniyak.
N: Ganun po ba? Kamusta naman na po yung baby nyo ngayon?
P: Medyo ok naman na sya kaso naiinis talaga ko dahil nadoble pa ako ng gastos ditto dahil dun sa nangyari sa bata, dapat kasi biniyak na nila yung tyan ko bago pa dumumi yung bata.
N: Hindi din po siguro inexpect ng doctor na ganun, di bale po ang mahalaga eh ok po kayo ng anak ninyo.
P: Oo nga eh makakauwi na rin kami bukas.
N: Mabuti naman po, nay pag may kailangan po kayo tawagin niyo lang po ako ha, magpahinga na po muna kayo.
P: Sige, salamat.



















2.) Name of patient: Margie Leal
N: Good morning po, kayo po ba si Margie Leal?
P:Ay, oo.
N: Ako po si Analyn Mendoza, ako po yung nurse ninyo ngayong araw. Nay kukuhanan ko lang po kayo ng vital signs.
P: Ano bay un?
N: Eto po yung BP o yung presyon o grado, yung pulso po tsaka yung temperature ninyo para malaman po natin kung ayos po ang katawan ninyo.
P: Sige nga at baka high blood na ko.
N: Taga saan po ba kayo nay?
P: Sa San Jose pa.
N: Ang layo naman po nay?
P: Oo nga eh, hindi naman talaga ko pumunta ditto sa Cabanatuan para magpaospital, dinalaw ko lang yung kapatid ko dyan sa may Aduas, ok pa yung pakiramdam ko nun.
N: Tapos ano po ang nagyari?
P: Biglang humilab yung tyan ko tapos ang daming lumabas na dugo, ayon sinugod na ako ditto.
N: Buti po nagkataon na andito kayo sa Cabanatuan?
P: Oo nga eh, hindi naman kasi talaga ako sanay na nanganganak sa ospital lahat ng anak ko sa bahay lang ipinanganak nakakaya ko naman.
N: Ay ganun po ba, ilang po ba lahat ng anak niyo?
P: Lima na, 19 ung panganay, yung sumunod eh 18 tapos 16, 15 tapos 12 na yung bunso ko, puro babae lahat, hindi ko nga inaasahang mabubuntis pa ko e.
N: Hindi po kayo nahirapan sa bahay niyo ipinanganak lahat?
P: Hindi, sanay na ko eh,tsaka hilot kasi yung kapitbahay naming kaya makakarating agad, di nga ako nagpapacheck up.
N: Naku nay mahalaga po ung pre natal check up, para po malaman yung kalagayan ninyo tsaka nung anak niyo.
P: Yun nga pinagsisisihan ko eh siguro kung nagpapacheck up ako hindi mamamatay yung bata, pero tanggap ko naman nay un ang gustong mngayari ng Diyos eh. Mabubuntis pa kaya ako mag foforty na ko eh?
N: Delikado nap o kasing magbuntis yung ganyag edad hanggat maari po eh huwag na dahil baka po magkaroon kayo ng malalang komplikasyon.
P: Ganun ba, sayang talaga yung bata.
N: Ang mahalaga ho eh ligtas kayo.
P: Sabi nga din ng aswa ko hayaan na lang, ayan na pala yung asawa ko eh.
N: Sige po maiwan ko nap o muna kayo, ayos naman po nay yung presyon niyo wala po ba kayong nararamdaman?
P: Wala naman, Sige salamat.
N: Opo salamat din po pag may kailnagn po kayo pakitawag na lang po ako.
P: Oo sige.














3.) Name of Patient: Rose Enriquez
N: Good morning po, kayo po ba si Rose Enriquez?
P: Oo, Ako nga.
N: Ako po si Analyn Mendoza ako po yung magiging nurse ninyo ngayon. Ilang taon na po kayo?
P: 38 na.
N: tag ditto po ba kayo sa Cabanatuan?
P: Hindi, taga Malate ako, sa Palayan.
N: Ah, bakit po ba kayo naadmit ditto?
P: Eh niraspa nga ako.
N: Kailan pa po ba kayo ditto?
P: Kahapon lang, gusto ko na ngang umuwi eh pwede na kaya akong umuwi?
N: Depende pos a kalagayan niyo na nakikita ng doctor, raspa lang naman po yun makakauwi din po kayo kaagad siguro.
P: Buti naman ala kasing nag-aalaga sa mga anak ko eh.
N: Ala naman po ba kayong nararamdaman?
P: Medyo masakit lang yung ulo ko.
N: Medyo mataas po kasi yung bp ninyo. Maliban pos a sakit ng ulo ala nap o kayong nararamdaman?
P: Wala na.
N: Sige po magpahinga na ang po muna kayo, mag-unan po kayo para makahiga kayo ng mas mataas yung ulo ninyo kaysa sa katawan para medyo bumaba yung bp ninyo.
P: Sige salamat.
N: Pag may kailangan po kayo pakitawag na lang po ako.




4.) Name of Patient: Dorezen Cruz
N: Good morning po, kayo po ba si Dorezen Cruz?
P: Oo, Ako nga.
N: Ako po si Analyn Mendoza ako po yung magiging nurse ninyo ngayon. Ilang taon na po kayo?
P: 27.
N: Taga saan po ba kayo?
P: Taga Obrero ako eh.
N: Kailan pa po ba kayo ditto?
P: Kagabi lang ako sinugod ng asawa ko ditto eh.
N: Ganun po baa nu po ba nangyari sa inyo?
P: Eh dinugo kasi ako akala ko nga makukunan na ako.
N: Ilang buwan na po ba yung dinadala niyo ?
P: 5 buwan na.
N: Pang ilang anak niyo po nap o bay an?
P: Una pa lang.
N: Unang beses niyo din pong nagbuntis?
P: Oo, natatakot nga ako baka duguin nanaman ako.
N: Mag ingat na lang po kayo, hanggat maari magpahinga na lang po kayo sa higaan, wag po kayong magpapagod.
P: Oo, doble ingat na nga din ako eh.
N: Anu po ba naramdaman niyo nung bago kayo isugod ditto?
P: Napakasakit ng balakang at tyan ko, hindi ko maintindihan tapos may dugo na, takot na takot nga yung asawa ko.
N: Eh ngaon po ayos na ang pakiramdaman niyo?
P: Oo, hindi na ko nahihirapan huminga.
N: Kailan po ba yung huling pagbibigay sa inyo ng oxygen?
P: Kaninang tanghali lang, o hapon ata, basta mga 1pm siguro.
N: Mag ooxygen po kayo ulit maya maya nay mga alas singko po.
P: Pwede bang hindi na?
N: Bakit po?
P: Okay naman na yung pakiramdam ko eh?
N: Sigurado po kayo?
P: Oo wag na siguro.
N: Kasi kung ayaw niyo nap o papapirmahin kop o kayo ng consent na katunayang ayaw niyo na pong mag-oxygen, ayaw niyo napo ba hanggat andito kayo o ngayong oras lang po na ito?
P: Mmm. Ngayun lang.
N: Eh mamayang gabi na lang po kami maglalagay ng oxygen sa inyo?
P: Oo, sige mamayang gabi na lang.
N: Sige po, pag may naramdaman kayo sabihin niyo na lang pos akin hano po?
P: Sige salamat.
N: Sige po.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento